At my desk…
January 29th, 2007 by gina-pajarillagaNgayon lang ulit ako napahinga sa office. Ganito pala ang trabaho pag nasa field ka… kakaloka… Minsan gusto mo na lang sumuko at magpadala sa mga binabatong problema sa’yo, pero pag nakikita mo ung mga mukha ng taong umaasa sa magagawa at maitutulong mo, nawawala ang pagod mo… na-e-energize ka bigla.
Minsan naisip ko, bakit nga ba dito ako napapunta? pwede naman ako pumasok sa clinic, sa farm? Madalas akong tanungin ni Tatay kapag naabutan nya akong nagpupuyat kung sulit ba ang paghihirap sa trabaho ko ngayon… Sa ngayon, hindi man ako kabilang sa malaking kumpanya gaya ng pangarap ko… kasama naman ako sa isang malaking pamilya…